Naval, Biliran – Kinondena ng Biliran Police Provincial Office ang pagpatay sa isang Brgy. Chairman sa Sitio Rawis, Brgy. Julita, Biliran, Biliran noong Miyerkules, Hulyo 6, 2022.
Kinilala ng mga awtoridad ang biktima na si Roberto M Yapan, 42 taong gulang, may asawa, Brgy Chairman at residente ng Sitio Rawis, Brgy. Julita, Biliran, Biliran at ang suspek na si Jene Balce y Sumayan, 36 anyos, may common-law-wife, construction worker at residente ng Sitio Tondo, Brgy. Julita, Biliran, Biliran.
Ayon sa imbestigasyon, sinaksak ng suspek ang biktima mula sa likod ng dalawang beses na tinamaan ang kaliwang bahagi ng katawan at leeg. Isinugod pa ang biktima sa Biliran Provincial Hospital, Naval, Biliran ngunit idineklara na itong Dead-on-Arrival.
Ayon kay Police Colonel Dionisio Dc Apas, Jr, rumesponde ang mga tauhan ng Biliran Municipal Police Station sa lugar ng insidente upang arestuhin ang suspek na pinaniniwalaang may personal na sama ng loob sa biktima ngunit ang nasabing suspek ay tumakas na sa pinangyarihan ng krimen patungo sa hindi mabatid na destinasyon.
Samantala patuloy naman ang isinasagawang hot pursuit operation ng Biliran PNP Operatives upang tuluyan ng mahuli ang suspek.
Nagpahayag naman ang Biliran Police Provincial Office ng kanilang matinding simpatya at pakikiramay sa naulilang pamilya sa hindi napapanahong pagkamatay ng biktima.
Source: Biliran Provincial Pulis FB Page | https://web.facebook.com/photo?fbid=3230037343941927&set=a.1542637159348629