Sunday, October 6, 2024

HomeNewsBicycle rider, patay matapos masagasaan ng pampasaherong bus

Bicycle rider, patay matapos masagasaan ng pampasaherong bus

Patay ang isang rider ng bisikleta matapos siyang masagasaan ng pampasaherong bus sa kahabaan ng national highway sa Barangay Tunghaan, bayan ng Minglanilla, southern Cebu bandang 7:15 ng umaga noong Biyernes, Enero 27, 2023.

Kinilala ang biktima na si Jinske Patalisa, nasa hustong gulang, residente ng Barangay Tungkop ng nasabing munisipalidad.

Sa pahayag ni Police Major Arieza Otida, hepe ng Minglanilla Police Station, nagmamaneho ng bisikleta sa hilaga si Patalisa nang lumabas ito sa kanyang lane at masagasaan ng Ceres bus na nasa kanyang likuran na agad na ikinamatay ng biktima.

Nasa kustodiya na ngayon ng pulisya ang driver ng bus na si Roel Rosaliña Jorolan, 43, na tubong Barangay Mainit, Naga City.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
156SubscribersSubscribe