Sunday, July 7, 2024

HomeNewsBHW ng Naga City, patay matapos tangayin ng malakas na agos ng...

BHW ng Naga City, patay matapos tangayin ng malakas na agos ng tubig

Patay ang isang Barangay HEALTH WORKER (BHW) matapos siyang tangayin habang tumatawid sa ilog sa Sitio Langub, Barangay Uling, Naga City, Southern Cebu.

Naganap ang insidente pasado alas-4 ng hapon noong Martes, Mayo 9, 2023.

Kinilala ang biktima na si Ma. Dolores Seguisabal, 60, residente ng Barangay Uling.

Natagpuan ang kanyang bangkay sa Sitio Sayaw, Brangay Balirong alas-11:20 ng gabi ng parehong araw sa isinagawang search and rescue operation ng mga tauhan ng City Disaster Risk Reduction and Management Office.

Ayon kay Police Corporal Reygie Largo ng Naga City Police Station, tumatawid sa ilog si Seguisabal kasama ang kanyang apo ngunit lumakas ang agos ng tubig dahil sa buhos ng ulan.

Gayunpaman, itinapon na niya ang bata sa gilid ng ilog bago pa siya madala ng malakas na agos.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
156SubscribersSubscribe