Thursday, December 26, 2024

HomeNewsBFAR: Seafood sa Cebu ligtas sa red tide

BFAR: Seafood sa Cebu ligtas sa red tide

Tiniyak ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources Central Visayas (BFAR 7) sa mga mamimili na ligtas ang mga panindang seafood sa Cebu.

Ito ay kasunod ng anunsyo ng central office nito noong Nobyembre 5 na hindi bababa sa siyam na coastal areas sa bansa, kabilang ang ilang bahagi ng Capiz at Bohol sa Visayas, ang nasa banta ng red tide.

Ayon kay Allan Poquita, BFAR 7 Director, noong Lunes, Nobyembre 14, 2022, na hinigpitan nila ang kanilang seguridad at tiniyak na walang mangingisda sa mga apektadong lugar ang nagbebenta ng seafoods.

Noong Nobyembre 5, naglabas ang BFAR Manila ng red tide warning sa siyam na lugar sa bansa: coastal waters ng Milagros sa Masbate, Sapian Bay (Ivisan at Sapian), Roxas City, Panay, at Pilar sa Capiz, coastal waters ng Dauis at Tagbilaran City sa Bohol, Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur, at Lianga Bay sa Surigao del Sur.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe