Wednesday, November 27, 2024

HomeNewsBFAR bicol, nagsagawa ng inspeksyon para sa potensyal na Salt Industry Project

BFAR bicol, nagsagawa ng inspeksyon para sa potensyal na Salt Industry Project

Nagsagawa kamakailan ng inspeksyon ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Bicol sa bayan ng San Andres, para sa potensyal na salt industry project.

Layon ng BFAR Bicol na masuri at mavalidate ang natukoy na lugar sa barangay Manambrag ng nasabing bayan para sa Development of Salt Industry Project (DSIP) sa rehiyon.

Kasunod ng isinagawang site inspection ay nakipagpulong ang team mula sa BFAR Bicol sa punong barangay ng Manambrag at sa opisyal ng asosayon ng mga mangingisda sa nasabing barangay tungkol sa nasabing proyekto at upang matukoy na rin ang mga magiging benepisyaryo nito.

Ayon sa lokal na pamahalaan ng San Andres, inaasahan nilang magiging matagumpay ang inisyatibong ito para sa pagpapaunlad ng mga kabuhayan sa kanilang bayan, dahil naging masusi anila ang naging pag-uusap sa pagitan ng ahensya at mga opisyal tungkol sa plano at implementasyon ng nasabing proyekto.

Source: Radyo Pilipinas Virac Catanduanes

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe