Sunday, January 12, 2025

HomeNewsBaybayin sa Eastern Visayas, nananatiling red tide-free status

Baybayin sa Eastern Visayas, nananatiling red tide-free status

Napanatili ng Eastern Visayas ang red tide-free status nito sa nakalipas na apat na linggo batay sa pinakahuling bulletin na inilabas ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).

Ipinapakita ng laboratory testing na ang 16 na baybayin at coastal water ng rehiyon na may history ng red tide infestation ay naalis mula sa mga nakakalason na organismo ayon sa Shellfish Bulletin No. 21 series of 2023 na ipinadala ng BFAR Eastern Visayas noong Martes.

Sinabi ng BFAR na ang sampling na isinagawa sa loob ng apat na magkakasunod na linggo ay nagbunga ng mga negatibong resulta para sa paralytic shellfish poisoning.

Ang huling lugar na nagkaroon ng red tide ay sa Matarinao Bay sa Eastern Samar, na naitala mula noong huling linggo ng Mayo hanggang kalagitnaan ng Agosto ngayong taon.

“Maaari nang ipagpatuloy ng ating mga mangingisda ang pangangalap at pangunguha ng shellfish sa lugar na ito dahil ang mga produktong ito ay ligtas na para sa pagkonsumo ng tao batay sa pinakahuling resulta ng ating laboratory analysis,” sabi ng BFAR regional office sa isang pahayag.

Bagama’t inalis na ang shellfish ban sa lahat ng lugar sa rehiyon, patuloy na susuriin ng monitoring team ang posibleng pag-ulit.

Ang regular na water sample check ay sumasaklaw sa baybayin ng Daram, at Zumarraga, Cambatutay, Irong-irong, Maqueda, at Villareal Bays sa Samar; baybayin ng Guiuan; San Pedro Bay sa Samar; coastal waters of Leyte, Calubian, Ormoc, Sogod, Carigara Bay, and Cancabato Bay, Tacloban City in Leyte; at baybaying tubig ng Biliran Island.

Ang mga lugar na ito ay may kasaysayan ng pag-ulit ng red tide sa mga nakaraang taon.

Regular na sinusuri ng BFAR ang mga sample ng tubig sa pamamagitan ng egional laboratory nito upang matiyak na ang mga shellfish na nakuha mula sa mga lugar na ito ay ligtas para sa pagkain ng tao.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe