Saturday, November 23, 2024

HomePoliticsGovernment UpdatesBayanihan para sa Kabataan, isinagawa ng Office of Civil Defense 8

Bayanihan para sa Kabataan, isinagawa ng Office of Civil Defense 8

Sinuportahan ng Office of Civil Defense 8 sa pamumuno ni Director Lord Byron Torrecarion ang aktibidad na “Bayanihan para sa Kabataan” ng Youth for Human Rights International -Eastern Visayas sa upstream barangays ng San Roque at Dinegpian sa Dolores, Silangang Samar na isinagawa noong Setyembre 27, 2022.

Nagbigay ang opisina ng mga hygiene kits at kumot sa mga estudyante at faculty ng Dinegpian Elementary School. 

Ang aktibidad ay kasabay ng Youth of Human Rights International at Hands Off Our Children Movement’s School Supplies Distribution Project para sa mga bata sa mga komunidad na apektado ng kaguluhan. 

Ang nasabing mga organisasyon ay nakipagtulungan din sa 52nd Infantry Battalion, Philippine Army; Puno ng Buhay; Eastern Samar PMFC Uno; 546th Engineer Construction Battalion, Philippine Army; at OCD 8.

Ang pagpapakita ng suporta ng OCD ay nakahanay sa Executive Order 70 ng pambansang pamahalaan o kilala sa tawag na NTF – ELCAC na naglalayong magbigay ng mahusay na mekanismo at istruktura para sa pagpapatupad ng whole-of-nation approach para tumulong sa pagsasakatuparan ng sama-samang adhikain na mapatanatili ang kapayapaan.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe