Tuesday, December 24, 2024

HomeBayan ng Villareal Samar, nakatanggap ng Project Funding mula sa DOST

Bayan ng Villareal Samar, nakatanggap ng Project Funding mula sa DOST

Tumanggap ng project funding mula sa Department of Science and Technology (DOST) ang lokal na pamahalaan ng Villareal, Samar ngayong taon.

Ang nasabing proyekto ay inihandog nitong Hunyo 15, 2023 sa apat na far-flung barangays ng Villareal sa ilalim ng Community Empowerment thru Science and Technology (CEST) Program ng DOST na nagkakahalaga ng Php704,360.

Kaugnay dito’y naglaan din ng karagdagang Php150,000 ang LGU Villareal bilang counterpart nito para sa implementasyon ng proyekto sa nasabing bayan.

Napag-alaman na bukod pa sa usapin na may kalayuan ang ilan sa mga barangay na nasasakupan ng Villareal, batay sa datos ay nakapagtala rin ng mataas na bilang ng malnutrisyon dito kaya naman ay napili ang LGU Villareal na tumanggap sa nasabing programa.

Sentro ng programa na tugunan ang usapin sa Health and Nutrition; Human Resource Development; at, Disaster Risk Reduction and Management and Climate Change Adaptation.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe