Saturday, November 23, 2024

HomeNewsBayan ng Guiuan, ipinagdiriwang ang ika-502 anibersaryo ng pagdating ni Magellan sa...

Bayan ng Guiuan, ipinagdiriwang ang ika-502 anibersaryo ng pagdating ni Magellan sa Eastern Samar

Nakahanay na ang mga aktibidad sa bayan ng Guiuan sa Eastern Samar sa paggunita sa ika-502 anibersaryo ng pagdating ni Ferdinand Magellan.

Sinabi ni Guiuan Mayor Annaliza Gonzalez-Kwan na ipinagmamalaki ng bayan ang pagiging bahagi ng unang circumnavigation ng mundo at ang kauna-unahang Philippine-Spanish contact.

“We are not only celebrating the first contact with the Western people led by Magellan, but we are also celebrating and highlighting the hospitality and humility that Filipino shows to the foreigners who were desperately in need of help when they arrived because of hunger, sickness, and some are almost dying,” sabi ni Kwan sa isang panayam noong Huwebes, Marso 16, 2023.

Inihanay ng bayan ang mga aktibidad mula Marso 14 hanggang 18, 2023 na may kaugnayan sa anibersaryo na kinabibilangan ng trade fair at forum na tinatawag na “The 1521 Magellan Landing in Homonhon Island Revisited” kasama ang Eastern Visayas resident historian na si Rolando Borrinaga bilang tagapagsalita.

Ang mga highlight ng isang linggong aktibidad ay ang wreath laying ng marker na inilagay sa makasaysayang lugar na itinayo ng National Historical Commission of the Philippines (NCHP).

Tatlo sa 34 na historical marker na inilagay ng NCHP sa ruta sa bansa ng unang circumnavigation ay matatagpuan sa Guiuan.

Ito ang Calicoan Island kung saan inilagay ang marker na kumakatawan sa Samar Island, Suluan Island na siyang unang isla na nakita ng Magellan crew pagdating nila sa Guiuan, at sa Homonhon kung saan sila nanirahan ng ilang araw at unang nakipag-ugnayan sa mga unang naninirahan sa Suluan. .

Noong Marso 17, 1521, nang ang mga tripulante ni Magellan na may tatlo sa limang barko ay dumating sa karagatan ng Samar pagkaalis ng Guam noong Marso 9. Nanatili sila nang humigit-kumulang dalawang linggo sa Homonhon Island sa Guiuan kung saan nakatagpo sila ng mga lokal na nakikipagkalakalan sa kanila ng kagamitan bago tumulak noong Marso 28 patungong Limasawa Island sa Southern Leyte.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe