Thursday, January 23, 2025

HomeNewsBayan ng Bato, nakakuha ng pinakaunang sea ambulance sa probinsya ng Leyte

Bayan ng Bato, nakakuha ng pinakaunang sea ambulance sa probinsya ng Leyte

Itinurn-over na ng Department of Health (DOH) Regional Office sa Local Government Unit ng Bato ang pinakaunang sea ambulance sa probinsya ng Leyte.

Sinabi ni DOH Eastern Visayas Regional Director, Exuperia Sabalberino nitong Martes, Marso 14, 2023, na ang Php4-million sea ambulance ay pinondohan sa pamamagitan ng Health Facilities Enhancement Program bilang bahagi ng suporta nito upang palakasin ang mga programang pangkalusugan ng mga local government units sa rehiyon.

Ang ambulansya ay itinurn-over sa lokal na pamahalaan noong Marso 13 at nilagyan ng stretcher, automatic external defibrillator, nebulizer, portable suction machine, oxygen cylinder, at iba pang kagamitang medikal at accessories.

“The sea ambulance can be used to transport individuals in need of immediate care to the appropriate health facilities. This will address the limited availability of sea transport services,” sabi ni Sabalberino sa isang panayam.

Ang mga makikinabang ay mga residente sa isla ng Dawahon, ang pinakamalaki sa bayan at isang komunidad ng mga mangingisda at mga magsasaka ng damong-dagat na may populasyon na higit sa 4,000.

“We hope, with this sea ambulance, this will support the implementation of Universal Health Care in Bato town. What Universal Health Care means is that all Filipinos are guaranteed to receive quality and affordable health care services. Through this, I’m very positive that there will be an improvement in terms of access of all the constituents of this municipality to quality health care services.” dagdag ni Sabalberino.

Sa isang pahayag, pinasalamatan ni Mayor Nathaniel Gertos ang DOH sa pagpili sa kanila na tumanggap ng sea ambulance, at idinagdag na ang kanyang administrasyon ay nagsusumikap upang matiyak na maibibigay ang mga pangangailangang medikal at kalusugan ng mga tao.

Bukod sa sea ambulance, itinurn-over din ng DOH sa lokal na pamahalaan ang Php8-million infirmary.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe