Isang magnitude 2.9 na lindol ang tumama sa bayan ng Aloguinsan, Cebu noong Miyerkules ng hapon, Disyembre 21, 2022.
Ayon sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), tumama ang lindol sa naturang bayan dakong 1:06 p.m. at itinala na ang tectonic nito ay nasa isang kilometro ang lalim.
Naramdaman ang Intensity I sa bayan ng Argao, southern Cebu at Talibon, Bohol.
Inasahan naman ang mga aftershocks kung kaya ay agad na pinaalalahanan ang mga residente na magsagawa ng mga kinakailangang pag-iingat kapag mangyari ito.
Samantala, ilang local government units naman sa Southern Cebu ang kinailangang huminto sa trabaho nang maramdaman ang pagtama ng lindol sa kanilang mga lugar, ngunit pagkalipas ng ilang minuto, ay agad ding ipinagpatuloy ang mga naudlot na trabaho.