Thursday, November 21, 2024

HomeNewsBarangay Road Clearing Operation, isinagawa sa Julita Leyte

Barangay Road Clearing Operation, isinagawa sa Julita Leyte

Nagsagawa ng Barangay Road Clearing Operation ang mga Local Government Unit at kapulisan sa loob ng kanilang area of ​​responsibility sa Julita, Leyte nito lamang Oktubre 23, 2024.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng Local Government Unit sa pangunguna ni Atty. Percival S. Caña, Local Chief Executive ng Julita, Leyte at Junita Municipal Police Station.

Ang nasabing grupo ay nagtulong-tulong maglinis at mag-alis ng mga natumbang puno dulot ng malakas na hangin sa kahabaan ng kalsada na hatid ng tropical storm Kristine.

Layunin ng aktibidad na hiyakatin ang bawat residente na makiisa at magtulungan para malinis ang kanilang lugar.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe