Sunday, January 12, 2025

HomeNewsBarangay Kapitan sa Northern Samar, Viral ngayon matapos punitin ang Certificate of...

Barangay Kapitan sa Northern Samar, Viral ngayon matapos punitin ang Certificate of Indigency ng dalawang Estudyante

Dahil kontra Partido ngayong Barangay and SK Election 2023, pinunit ng isang Kapitan ang ipapapirma sanang Certificate of Indigency ng dalawang Estudyante sa Brgy. 5, Poblacion, Catubig, Northern Samar.

Ayon sa viral facebook post ni Pretzel Cabe, ang parehong certificate of indigency ay isa sa mga kinakailangan ng isang Partylist para sa kanilang scholarship kung saan pangatlong beses na nilang balik para magpapirma.

Kinilala ang Punong Barangay na si Hon. Carlo Robis at tatakbo ulit bilang Kapitan nitong darating na BSK Election.

Nag-viral ang Kapitan matapos siyang mahuli sa camera na talagang pinupunit ang parehong certificate of indigency na nangyari nitong nakaraang linggo lamang.

Ang video ay umabot na sa 477,000 views, 12,000 reactions at 8,500 comments na umani ng negatibong reaction mula sa netizens.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe