Thursday, November 7, 2024

HomeNewsBarangay Councilor sa Argao, arestado nang bigong magsumite ng SALN noong 2001

Barangay Councilor sa Argao, arestado nang bigong magsumite ng SALN noong 2001

Isang konsehal ng Barangay Bogo, Argao, Cebu ang inaresto noong Lunes ng hapon, Nobyembre 14, 2022, ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Cebu Provincial Field Unit (PFU) at mga miyembro ng Argao Police Station sa kasong paglabag sa Republic Act 6713, o ang Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees.

Kinilala ng mga awtoridad ang naaresto na si Danilo Gealon Felomino, 54 na taong gulang.

Ayon kay Police Major Nazarino Emia, Hepe ng CIDG Cebu PFU, inaresto ang akusado matapos ilabas sa kaparehong araw ni Hon. Leonardo Peque Carreon, Judge ng Municipal Trial Court Branch 56 sa Argao ang warrant laban dito na may nakatakdang piyansa na umabot sa Php30,000.

Dagdag pa ng opisyal, ang nagrereklamo ay ang treasurer ng Barangay Bogo na si Annade Bedolido Davin.

Inihain ni Davin ang kaso laban kay Felomino sa Office of the Ombudsman-Visayas matapos itong mabigong magsumite ng kanyang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth noong Hunyo 2021.

Ayon naman kay Police Major Emia, ang konsehal ay nakalaya rin kinabukasan (Martes, Nobyembre 15) matapos ito makapagpiyansa.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe