Saturday, September 21, 2024

HomePoliticsFormer Rebel NewsBangkay ng NPA na namatay dahil sa nervous breakdown, natagpuan sa Iloilo

Bangkay ng NPA na namatay dahil sa nervous breakdown, natagpuan sa Iloilo

Leon, Iloilo- Natagpuan ang isang bangkay ng New People’s Army o NPA na pinaniniwalaang namatay dahil sa nervous breakdown ng mga awtoridad sa isang mababaw na pinaglibingan nito sa Leon, Iloilo nitong Hulyo 13, 2022.

Kinilala ni Lt. Col. Harold Garcia, Philippine Army 61st Infantry Battalion (IB) commander, ang nahukay na bangkay sa Barangay Bucari ng nasabing bayan na si Glezer Hembra, alias “Karl,” “Bonet,” at “Ram-Ram.”

Ayon sa inisyal na report, natagpuan ang bangkay sa tulong ng isang former NPA rebel na kinilalang si alyas “Toto” na siyang nagturo sa pinaglibingan kay Hembra.

Namatay si Hembra dahil sa nervous breakdown bungsod ng tuloy-tuloy na pagtugis ng mga tropa ng pamahalaan sa rebeldeng grupo.  Minadali naman itong inilibing ng kanyang mga kasamahan sa naturang lugar.

Si Hembra ay squad member ng Suyak Platoon ng NPA Southern Front Committee sa isla ng Panay.

Narekober din ng mga sundalo sa hukay ang 30 rounds na ammunition ng M16 rifle, 15 cartridges ng 5.56mm ball, backpack, charger para sa commercial radio at iba pang mga kagamitan.

Samantala siniguro naman ni Lt. Col. Garcia na maibigay si Hembra sa kanyang pamilya at doon mabigyan ng maayos na libing.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
156SubscribersSubscribe