NEGROS OCCIDENTAL – Isang bangkay ng lalaki na walang ulo ang natagpuan sa Purok Puntod, Barangay Poblacion 2, lungsod ng Sagay, Negros Occidental noong Linggo ng umaga, ika-28 ng Enero 2024.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel John A Mocyat Jr., Officer-in-charge ng Sagay Component City Police Station ang biktima na si Joel Malalo-an Lacao-Lacao, 30 taong gulang, at residente ng nasabing lugar.
Ayon sa unang imbestigasyon ng Sagay CCPS, ang biktima ay mula sa piyesta noong Sabado, ika-27 ng enero 2024, at natagpuan na lamang ito na wala nang ulo kinabukasan, matapos magbigay ng ulat ang isang indibidwal sa awtoridad.
Kasalukuyang iniimbestigahan pa ng Sagay Component City Police Office ang nangyaring insidente, upang matukoy at mahuli ang suspek sa likod ng krimen.