Wednesday, December 25, 2024

HomeNational NewsBangkay ng isang Iranian National, natagpuan sa Victoria, Samar

Bangkay ng isang Iranian National, natagpuan sa Victoria, Samar

Isang bangkay ng Iranian National ang natagpuan sa isang resort sa Brgy. Buenos Aires, Victoria, Northern Samar noong Setyembre 28, 2022. 

Ayon sa report ng Victoria Municipal Police Station, dakong 09:20 ng umaga nito lamang Miyerkules nang maireport sa nasabing himpilan ang naturang bangkay sa tulong ng isang concerned citizen sa ngalan ni Arcel Sauro Melendrez, 36 anyos, isang tricycle driver at residente ng Brgy. Balite, San isidro, Northern Samar.

Sa tulong ng Philippine Coast Guard, nakuha ang wala ng buhay na banyaga na nakatali ang katawan, suot ang isang bag na naglalaman ng bato kung saan nakilala itong si Seyedakbar Hosseini batay sa mga narecober na identification cards.

Kaugnay dito, isa umanong mangingisda mula sa Brgy. Buenos Aires, Victoria, Northern Samar ang nakakita sa dagat ng nasabing bangkay.

Sa ngayon ay blanko pa ang mga awtoridad sa motibo at nagpapatuloy ang imbestigasyon sa pagkakakilanlan ng mga nasa likod sa pagpatay sa nasabing biktima

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe