Friday, September 20, 2024

HomeNewsBangkang tumaob sa pagitan ng Boracay at Antique, 3 patay, 7 nawawala 

Bangkang tumaob sa pagitan ng Boracay at Antique, 3 patay, 7 nawawala 

ILOILO CITY — Tumaob nitong Lunes, Agosto 26, 2024 ang dalawang bangkang de motor sa dagat sa mga isla ng Boracay at Antique at apat ang naitalang nasawi at pito naman ang nawawala.

Ayon sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) sa bayan ng Caluya, Antique ang mga nasawi ay kinilalang sina Marlon Belleca, Mark “Macmac” Delloro  at Christopher Gajero.

Ang pitong iba pa na nawawala ay kinilala naman na sina Joseph Delloro, Vic Florendo, Roel Delloro, Zaldy Pacis, Christian Aguilar, Frankie Gajero, at Sauro Dellor.

Sinabi ng mga nakaligtas na tumaob ang isang mas maliit na motor banca habang papunta ito mula Boracay Island patungong bayan ng Caluya sa Antique dahil sa malakas na hangin at alon noong Agosto 26.

Isang malaking motor banca ang nagtangkang tumulong ngunit tumaob din.

Naglunsad ng joint search-and-rescue operation ang Philippine Coast Guard ng Caluya, Boracay, at Romblon at MDRRMO ng Malay, Aklan para sa mga biktima.

RELATED ARTICLES

Leave a Reply

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
156SubscribersSubscribe