Wednesday, December 25, 2024

HomeNewsBalik Eskwela Pabakuna Ta Extrabonanza, inilunsad sa Cebu City

Balik Eskwela Pabakuna Ta Extrabonanza, inilunsad sa Cebu City

Mas pinalakas ng Pamahalaan ng Cebu City ang kanilang pagsusumikap sa pagbabakuna para sa mga mag-aaral sa pagpapatupad ng face-to-face classes sa lahat ng pampublikong paaralan.

Pinangunahan ni Mayor Michael Rama ang grand launching ng “Balik Eskwela Pabakuna Ta Extrabonanza” sa Tisa II Elementary School sa Barangay Tisa Lunes, Nobyembre 7, 2022.

Batay sa datos na ipinakita, mayroong kabuuang 217,198 na naka-enroll na mga mag-aaral sa lahat ng pampublikong paaralan sa lungsod ngunit 103,675 na mga mag-aaral pa lamang ang nabakunahan laban sa sakit na coronavirus (Covid-19).

Upang hikayatin ang mga bata na magpabakuna, ang Pamahalaang Lungsod, katuwang ang mga pribadong sponsor, ay mamimigay ng dalawang condominium unit, isang kotse, ilang motorsiklo, at iba pang mga premyo.

Sinabi ni Rama na para maprotektahan ang privacy ng mga bata, ang raffle ay lalahukan ng kanilang mga magulang.

Ayon kay Rama, kailangang “kumpletuhin ang cycle” sa pamamagitan ng pagtiyak na lahat ng mamamayan, kabilang na ang mga estudyante, ay nabakunahan laban sa virus.

“Kailangan nating kumpletuhin ang cycle. We are already declaring freedom, shared responsibility… nangabli nata sa eskwelahan, kailangan atoang tiwason tanan kini (we’ve opened the schools, so we need to finish everything),” ani Rama.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe