Personal na nagsagawa ng inspeksyon si Marabut Municipal Mayor Atty. Percival Ortillo Jr., sa isang site kung saan planong maglagay ng farm-to-market road sa Barangay Tinabanan, Marabut, Samar noong Oktubre 13, 2022.
Aniya, plano nang ituloy ng lokal na pamahalaan ang nasabing proyekto matapos ang ilang taong reklamo at hinaing dahil sa kalbaryo ng pahirapan sa pagdaan lalo na sa panahon ng emergency ng mga residente sa nasabing lugar.
Sa isang pahayag, sinabi ni Mayor Ortillo na siya na ang mangangalap ng pondo upang maisaayos na ang nasabing kalsada.