Friday, November 22, 2024

HomeNewsBagyong Carina, nagdulot ng malaking pinsala sa ilang Barangay sa Iloilo City

Bagyong Carina, nagdulot ng malaking pinsala sa ilang Barangay sa Iloilo City

Nagdulot ng malaking pinsala ang pananalasa ng bagyong Carina na umabot sa 59 na bahay ang nawasak at 40 ang nasira sa mga ilang Barangay sa Iloilo City nito lamang ika-23 ng Hulyo 2024.

Humigit-kumulang 149 na pamilya, o 409 na indibidwal, ang nawalan ng tirahan dahil sa bagyong Carina.

Ang mga Barangay na labis na naapektuhan ay ang Barangay Boulevard, San Juan, Calumpang (Molo District), Ortiz, Ma. Clara (City Proper), Calaparan, Sto. Niño Norte, Sto. Niño Sur (Arevalo District), at Calubihan (Jaro District).

Nakipagtulungan ang Iloilo City Emergency Operations Center (EOC) sa mga apektadong barangay, Iloilo City Philippine National Police (PNP), City Social Welfare and Development Office (CSWD), at publiko.

Ayon sa Quick Response Division, binuksan ang mga evacuation centers at ikinansela ang mga klase.

Ang Barangay Emergency Operations Centers ay tumulong sa mga apektadong pamilya, nagpakalat ng impormasyon, at nag-activate ng mga evacuation centers.

Saad naman ni City DRRM Officer Donna Magno, na iba’t ibang mga advocacy support groups at volunteers ang nagbigay ng pagkain, iba’t ibang mga kagamitang pangangalagang medikal, at suporta sa mga evacuees.

Nakipag-ugnayan din ang CSWDO sa iba pang mga ahensya ng gobyerno upang matiyak ang tuloy-tuloy na supply ng mga lutong pagkain para sa mga evacuees.

Nagsagawa naman ang mga PNP Maritime Unit 6 at Search and Rescue Teams ng coastal patrols para tumulong sa mga paglilikas, nagtanggal ng mga debris, at nagligtas ng mga hayop.

Source: Sunstar 

Panulat Justine 

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe