Wednesday, January 15, 2025

HomeNewsBagong sasakyan at mga armas, iginawad ng PRO8 sa mga Police Stations...

Bagong sasakyan at mga armas, iginawad ng PRO8 sa mga Police Stations sa Rehiyon

Bilang bahagi ng pagsuporta sa epektibong pagpapatupad ng kapayapaan at kaayusan sa Eastern Visayas, ipinagkaloob ng Police Regional Office VIII ang mga bagong sasakyan at armas sa mga Municipal Police Stations sa rehiyon nitong Setyembre 16, 2024.

Pinangunahan ni PBGen Reynaldo H. Pawid, Regional Director ng PRO8, ang seremonya at pag-turn-over ng mga kagamitan. Kasama sa mga ipinagkaloob ang tatlong unit ng Light Transport vehicles, apat na yunit ng 4×4 Personnel Carriers, isang unit ng Patrol Jeep, 21 light motorcycles, at 150 unit ng Basic Assault Rifles (BAR) Galil Ace.

Ang kabuuang halaga ng mga sasakyan at armas ay umabot sa Php 22,914,700.00.

“Ang mga bagong nakuhang assets ay inaasahang magpapalakas sa kakayahan ng PRO8 sa pagtutok sa kaligtasan ng publiko at kaayusan sa Eastern Visayas, at higit pang pagpapahusay sa presensya ng pulisya at pagtugon sa rehiyon,” ayon sa PRO8.

Panulat ni Cami

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe