Friday, November 15, 2024

HomeNewsBagong Pilipinas Serbisyo Fair, idinaos sa Guimbal Iloilo

Bagong Pilipinas Serbisyo Fair, idinaos sa Guimbal Iloilo

Iloilo- Matagumpay na idinaos ang Launching ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair sa pangunguna ni House Speaker Feridinand Martin Romualdez na ginanap sa Guimbal National Highschool, Guimbal, Iloilo nito lamang ika-9 ng Disyembre 2023.

Ang aktibidad ay dinaluhan ng mga opisyales ng Western Visayas at iba’t ibang ahensya ng gobyerno upang maghatid ng serbisyong pampamahalaan na dinagsa naman ng libo-libong mga Ilonggo.

Mahigit sa 50 na ahensya ng gobyerno ang naghatid ng serbisyong pampamahalaan tulad lamang ng National Police Clearance ng Pambansang Pulisya, pamamahagi ng kagamitang pang-agrikultura ng Department of Agriculture, libreng gupit ng Philippine Army, payong legal mula sa Department of Agrarian Reform at mga educational assistance naman ang binahagi ng DepEd, CHED, TESDA, at DOST at marami pang iba.

Layunin ng programang BPSF na maghatid ng mga serbisyong pampamahalaan sa iba’t ibang probinsya sa Pilipinas upang mas mailapit ang tulong mula sa gobyerno.

Labis ang pasasalamat ng mga benepisyaryo sa bawat tulong at serbisyong hatid ng programa at nararamdaman nila ang tunay na pagkalinga at pagmamalasakit ng gobyerno.

Ang pagtitipon ng libo-libong mga Ilonggo para sa Bagong Pilipinas Serbisyo Fair ay pagpapakita ng di-matatawarang pagkakaisa sa paghahatid ng serbisyo para sa kaunlaran ng bawat isa.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe