Friday, November 8, 2024

HomeNewsBagong Local Access Road sa ilalim ng GEF Program sa bayan ng...

Bagong Local Access Road sa ilalim ng GEF Program sa bayan ng San Sebastian, ininspeksyon ng DILG

Nagsagawa ng final na inspeksyon ang DILG Western Samar sa pangunguna ni Provincial Director Judy Batulan sa katatapos lamang na Local Access Roads sa ilalim ng programang Growth Equity Fund (GEF) sa San Sebastian, Samar nitong nakaraang Linggo, Mayo 21, 2023.

Ang nasabing road project na may habang 424 meters ay nagkokonekta sa Brgy. Dolores, Hita-asan 1 at Inobongan sa nasabing bayan.

Dinaluhan naman nina Mayor Ferdinand Gaviola, kasama ang kanyang Municipal Engineering Office, Municipal Planning and Development Coordinator, at Contractor ang nasabing inspeksyon.

Ayon kay PD Batulan, ang Pamahalaang Panlalawigan ng Samar ay may 44 na barangays at 9 na munisipyo na benipisyaryo sa naturang programa.

Layunin ng Growth Equity Fund (GEF) Program na makatulong sa pagpupundo ng mga basic infrastructure programs, gayundin ang mga proyekto at mga aktibidad bilang pagtugon sa kahirapan at mga hikahos sa buhay sa pangunguna ng bawat LGUs na tinukoy ng Department of Budget and Management (DBM).

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe