Thursday, February 13, 2025

HomeHealthBagong Isolation Ward ng Oppus Yniguez Memorial Provincial Hospital, pinasinayaan sa Southern...

Bagong Isolation Ward ng Oppus Yniguez Memorial Provincial Hospital, pinasinayaan sa Southern Leyte

Matagumpay na isinagawa ang inagurasyon at pagbendisyon sa bagong itinayong Negative Pressure Isolation Ward sa Oppus Yniguez Memorial Provincial Hospital sa Maasin City, Southern Leyte nito lamang Pebrero 12, 2025.

Ang bagong pasilidad ay pinondohan ng World Bank sa pamamagitan ng Philippine COVID-19 Emergency Response Project (PCERP). Sa pamamagitan ng pagtutulungan ng Department of Health (DOH) at ng Pamahalaang Panlalawigan ng Southern Leyte, naging posible ang pagtatayo ng pasilidad na ito. Ito ay bahagi ng kanilang layunin na palakasin ang sistema ng pangangalaga sa kalusugan sa lalawigan at dagdagan ang kakayahan nilang tumanggap ng mga pasyenteng may nakakahawang sakit.

Makikinabang ang parehong mga pasyente at healthcare workers mula sa pasilidad dahil nagbibigay ito ng kontroladong kapaligiran upang mabawasan ang panganib ng pagkalat ng mga nakakahawang sakit.

Patuloy ang Pamahalaang Panlalawigan ng Southern Leyte sa pagtupad ng kanilang pangako na magbigay ng mas pinahusay na serbisyong pangkalusugan para sa kanilang mga nasasakupan.

Panulat ni Cami
https://web.facebook.com/share/p/153JVG249t/

RELATED ARTICLES

Leave a Reply

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe