Pormal nang umupo bilang gobernador ng lalawigan si Vice Governor Carlo Jorge Joan Reyes sa Negros Oriental noong Sabado ng gabi, Marso 4, 2023 kasunod ng pagkamatay ni Gobernador Roel Degamo.
Pinangunahan ni DILG Secretary, Benhur Abalos Jr. ang oath taking ni Reyes.
“Ngayong gabi, nanumpa sa tungkulin si Negros Oriental Vice Governor Carlo Jorge Joan Reyes bilang Gobernador ng probinsya,” saad ni Abalos.
“Mariing kinokendena ng administrasyon ang karumaldumal na pagpaslang kay Former Negros Oriental Governor Roel Degamo at sa iba pang mga biktima ng karahasang naganap,” dagdag pa nito.
Tiniyak naman ni Abalos na hindi titigil ang pulisya kasama ang iba pang law enforcement agencies ng gobyerno hangga’t hindi nabibigyan ng hustisya ang mga biktima ng insidente.
Noong Marso 4, bandang 9:30 ng umaga, hindi bababa sa anim na armadong lalaki ang pumasok sa tirahan ni Degamo sa Pamplona at nagsimulang barilin.
Bukod kay Degamo, walong iba pang indibidwal kabilang ang kanyang mga security aide at sibilyan ang nasawi sa insidente habang 13 iba pa ang malubhang nasugatan.
Si Degamo noong panahon ng pag-atake ay nag-aaliw sa mga benepisyaryo ng 4Ps (Pantawid Pamilyang Pilipino Program) ng lalawigan.
Apat na suspek na nagtangkang tumakas ay na-neutralize na — tatlo ang inaresto habang isa ang napatay matapos makipagbarilan sa mga awtoridad.