Tuesday, November 26, 2024

HomeTechnologyBagong Forest Product Innovation Center, itatayo sa Baybay, Leyte

Bagong Forest Product Innovation Center, itatayo sa Baybay, Leyte

Magtatayo ang Department of Science and Technology (DOST) ng isang Forest Product Innovation and Training Center (FPITC) sa Baybay City, Leyte upang itaguyod ang sustainable forestry sa Eastern Visayas.

Ayon kay DOST Regional Director John Glenn Ocaña sa isang panayam sa telepono noong Lunes, Nobyembre 25, 2024 ang PHP3.6 milyong proyekto ay itatayo sa loob ng Visayas State University (VSU) campus sa Baybay City.

Ayon sa kanya, ang Center ay mag fo-focus sa pananaliksik, pagsasanay, at inobasyon upang tugunan ang tumataas na pangangailangan para sa mga eco-friendly na solusyon, kabilang na ang mga industriya tulad ng niyog at kawayan.

Ang pagtatayo ng FPITCs ay bahagi ng isang pambansang inisyatiba, kung saan may katulad na mga sentro na itinatag sa Isabela State University sa Luzon at Caraga State University sa Mindanao.

“Ang layunin ng proposed na sentro ay palakasin ang inobasyon at kakayahan sa sektor ng forestry at wood products. Magiging hub ito para sa pananaliksik, pagsasanay, paglipat ng teknolohiya, at teknikal na payo na may kinalaman sa sustainable forestry, wood processing, at pag-develop ng value-added na produkto mula sa kagubatan,” sabi ni Ocaña.

Kabilang sa mga kagamitan sa loob ng pasilidad ang mga makina para sa wood processing at mga advanced na makina para sa pagproseso ng kahoy at non-wood forest products.

Sa isang kasunduan na nilagdaan noong unang bahagi ng taon, ang DOST-Forest Products Research and Development Institute at VSU ay nagkasundong magbahagi ng kaalaman at impormasyon, at maaari ding makipagtulungan sa mga hinaharap na proyekto ng pananaliksik at siguraduhin ang mga karapatan sa intellectual property ng mga binuo o pinahusay na mga produkto mula sa kagubatan.

Panulat ni Cami
Source: PNA

RELATED ARTICLES

Leave a Reply

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe