Wednesday, December 25, 2024

HomeNewsBagong farm to market road sa Gandara Samar, pormal nang bubuksan

Bagong farm to market road sa Gandara Samar, pormal nang bubuksan

Samar – Matatapos na ang matinding kalbaryo ng mga magsasaka at mga residente sa walong barangay sa bayan ng Gandara, Samar dahil sa katatapos lamang na bagong farm to market road na pormal nang bubuksan nitong Oktubre ng taong ito.

Ito’y dahil tapos na ang konstruksyon ng kalsada na nagkokonekta sa dalawang barangay mula sa Barangay Balud hanggang Barangay Jasminez sa nasabing bayan.

Matatandaang nagsimula ang proyekto noong 2018 sa pagsisikap ni dating Samar 1st District Rep. Edgar Mary S. Sarmiento sa tulong ng Samar First District Engineering Office.

Nasa walong barangay naman ang inaasahang makikinabang sa naturang kalsada na nagkakahalaga ng Php48.7 million.

Inaasahang makakatulong ito sa kabuhayan ng mga residente, pag-aaral ng mga bata at kalusugan upang hindi na maging pahirapan pa ang pagdala ng mga pasyente sa Ospital sa panahon ng emergency.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe