Thursday, January 23, 2025

HomeNational NewsBagong batas para sa mga senior citizens at produktong gawa sa Pinas,...

Bagong batas para sa mga senior citizens at produktong gawa sa Pinas, nilagdaan na ni PBBM!

Bilang pagkilala at pagpaparangal sa mga senior citizens at bilang pagsuporta sa mga produktong gawa sa Pinas ay nilagdaan na ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang dalawang bagong batas para sa mga ito.

Ang mga nabanggit na batas ay ang Republic Act No. 11981 o ang Tatak Pinoy Act at ang Republic Act No. 11982 o ang Expanded Centenarian Act.

Ang RA 11981 ay naglalayong palakasin ang ugnayan sa pagitan ng pamahalaan at pribadong sektor sa pagpapalaganap at pagpapalakas ng mga produkto at serbisyo na maaaring makipagkompitensya sa pandaigdigang merkado.

Samantala, sa ilalim naman ng RA 11982 naman ay makakatanggap ng Php10,000 ang mga senior citizen na nasa 80-anyos, habang may karagdagang Php10,000 naman ang matatanggap nila kapag umabot sila sa edad na 85, 90 hanggang 95 anyos.

Patuloy ang kasalukuyang administrasyon sa pagpapatupad at pagsasagawa ng iba’t ibang programa, proyekto at aktibidad, ganundin ang paglagda sa mga panukalang batas upang ipakita at ipadama ang suporta sa iba’t ibang sektor ng lipunan tungo sa pagkamit ng isang maunlad at matatag na bagong Pilipinas.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe