Thursday, November 7, 2024

HomeEntertainmentCultureBago City sa NegOcc, ginunita ang ika-124 na “Al Cinco de Noviembre

Bago City sa NegOcc, ginunita ang ika-124 na “Al Cinco de Noviembre

Matapos ang dalawang taong pagkatigil ng mga pampublikong kaganapan dulot ng Covid-19 pandemic, muling ginunita ng lokal na pamahalaan ng Bago City ang selebrasyon ng ika-124 na Al Cinco de Noviembre sa pamamagitan ng iba’t ibang aktibidad nitong araw, Nobyembre 5, 2022.

Ang Al Cinco de Noviembre na kilala rin bilang Negros Day, ay ginaganap tuwing ika-5 ng Nobyembre bilang pag-ala-ala sa matagumpay na pag-aklas ng mga Negrense laban sa mga Espanyol noong 1898.

Ang Nobyembre 5 ay idineklarang non-working holiday sa buong probinsya ng Negros Occidental sa bisa ng Republic Act 6709.

Ayon kay Mae Ann Furtos, Senior Tourism Operations Officer ng Bago City, ang “Sigabong sang mga Kanyon” ng Bago City kada Al Cinco de Noviembre, ay pisikal na gaganapin ngayong taon sa lungsod matapos ang dalawang taong virtual celebration nito.

Dagdag pa niya, na ang paggunita sa [Al Cinco de Noviembre] ay pag-alala sa katapangan ng mga bayaning Negrense sa pangunguna ni General Juan Araneta, at ng kanyang Bagonhon troops katuwang ang iba pang mga Negrense sa norteng bahagi ng probinsya sa pamumuno ni General Aniceto Lacson.

Saad din niya na ang pagkapanalo ng mga Negrense noon laban sa mga Espanyol ay talaga ngang makasaysayan sapagkat nilinlang lamang nila ang mga sundalong Espanyol gamit ang nipa (coconut fronds) bilang mga “rifle” at ang amakan (rolled bamboo mats) bilang mga kanyon “cannon” na siyang naging sanhi ng pagsuko ng mga hukbong Espanyol sa probinsya.

Ang naturang kaganapan ay tinaguriang “bloodless revolt,” kung saan lumaya ang mga Negrense sa mahigit 300 taong pananakop ng mga Espanyol.

Bilang paggunita, nagsagawa ang lungsod ng iba’t ibang aktibidad gaya ng Philippine Navy Reservists Unity Walk na nagsimula sa Sum-ag at Crossing La Carlota hanggang Bago City.

Pinangunahan naman ni Mayor Nicholas Yulo ang wreath-laying ceremony sa General Juan Araneta Monument nitong umaga na sinundan naman ng Civic Military Parade na dinaluhan ng 24 barangay na hinati saw along grupo.

Samantala ang Sigabong sang mga Kanyon Photo Competition ay ginanap sa Manuel Y. Torres Memorial Coliseum and Cultural Center (MYTCCC) nitong umaga habang ang Sigabong sang mga Kanyon Arena Competition na tinaguriang “Amakan kag Nipa sa Kasaysayan sang Negros” ay ginanap naman ngayong hapon.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe