Wednesday, December 25, 2024

HomeSportsBago City Girls Junior League third place sa 2022 Junior League Softball...

Bago City Girls Junior League third place sa 2022 Junior League Softball World Series sa Amerika

Wagi ang Bago City Girls Junior League bilang third place sa kagaganap lamang na 2022 Junior League Softball World Series sa Kirkland, Washington sa United States of America nitong ika-7 ng Agosto 2022.

Ang kupunan ay nabigong manalo sa Semi-final ng laro nang matalo sila ng kupunan mula sa Irmo, South Carolina ngunit hindi nagpatinag ang grupo at bumawi sa kanilang laban kontra Las Vegas, Nevada kung saan nakakuha sila ng 3-0 victory at itinanghal na third place sa nasabing torneyo.

Ayon kay Bago City Mayor, Hon. Nicholas Yulo, isang karangalan sa lahat ng mga taga Bago City na nanggaling sa lungsod ang nagripresenta sa Team-Asia Pacific sa 2022 Junior League Softball World Series at nanalo pa bilang third placer.

Aniya: “I personally would like to congratulate our softball girls and their coaches for their hard work, dedication, and perseverance in bringing honor not only to Bago City but to the entire nation as well.”

“Worthy of note are their parents for encouraging their children and the Filipino community in the United States of America for taking good care of our athletes thereby boosting their morale and fighting spirit to hit a “home run,” dagdag pa niya.

Sinabi rin ni Mayor Yulo na nakahanda silang magkaroon ng heroes’ welcome para sa lahat ng mga junior champions pagbalik nito sa bansa.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe