Kuala Lumpur,Malaysia- Wagi ang isang Bacoleño matapos manalo ng apat na medalya sa inaugural Southeast Asian Cup Powerlifting Competition na ginanap sa Kuala Lumpur, Malaysia nito lamang Huwebes, Setyembre 15, 2022 hanggang Setyembre 18, 2022.
Matapos ang apat na linggong pagsasanay, nagbunga ang lahat ng pagsisikap ni Maphi Daniel Polvora nang manalo siya ng ginto sa 125-kilogram bench press category habang bronze medal naman sa 170-kilogram squat event. Nanalo din si Polvora ng dalawang silver medal sa deadlift 227.5 kilograms category.
Bago tumungong Malaysia, lumahok muna si Polvora sa Dewfoam regionals powerlifting championship sa Cebu at Raw nationals sa Manila.
Ang katagumpayan ng 20-year-old Accountancy student ng University of St. La Salle, ay inialay sa kanyang mga pamilya at kaibigan na patuloy na sumusuporta sa kanya sa bawat araw mula nang siya ay nagsisimula pa lamang hanggang sa naipanalo na niya ang torneyo.
Kabilang sa iba pang mga nanalong Pilipino sina Lance Gabriel Laquian, James Emmanuel Sy, Johan Chan, Rhodison Jay Esmundo, Jalen Cytienne Cruz, Merwin Torres, Francis Oliver Retardo, Nestor Redulla, Jr., Emilio Lorenzo Florendo, Rafael Renzo Cahilig at Ross Emmanuel Teodosio.