Thursday, February 13, 2025

HomeNewsBabaeng viral online dahil sa paggamit ng ilegal na droga, kalaboso

Babaeng viral online dahil sa paggamit ng ilegal na droga, kalaboso

Nahuli sa isang isinagawang operasyon ng mga alagad ng batas sa Estancia, Iloilo ang isang babae matapos mag-viral ang isang video kung saan siya umano ay gumagamit ng iligal na droga. Ang operasyon ay isinagawa nito lamang ika-12 ng Pebrero, 2025.

Kinilala ang inarestong suspek bilang si alyas ‘Apple,’ 32-anyos at may limang anak. Kasama niyang nahuli ang kanyang live-in partner na si alyas “Michael,” 27-anyos, at si alyas “Christian,” 17-anyos. Lahat ay pawang mga residente ng Barangay Zone 1, Inventor Street, Estancia, Iloilo.

Matatandaang nag-live si “Apple” kasama ang kanyang mga kamag-anak habang gumagamit ng shabu sa loob ng kanilang bahay. Subalit, itinanggi ito ng babae at sinabing wala siyang intensyong ipalabas sa social media ang naturang video.
Inamin niya na siya mismo ang kumuha ng video gamit ang cellphone ng kanyang dating kinakasama na si alyas “Den-den,” na ayon sa kanya ay isang pulis na AWOL (absence without official leave).

Ikinuwento rin niya na matapos silang maghiwalay ni “Den-den,” hindi niya na-delete ang video. Dagdag pa niya, ang bagong kasintahan umano ni “Den-den” ang nag-upload ng naturang video sa social media. Dagdag pa ni “Apple” na wala na siyang kontak kay “Den-den.”

Sa isinagawang operasyon ng mga awtoridad, nasamsam ang nasa humigit kumulang 290 gramo ng iligal na droga na may tinatayang estimated standard drug price na P1,972,000.00.

Sa ngayon, ang mga nahuli ay nasa kustodiya ng Estancia Municipal Police Station para sa kaukulang disposisyon at dukomentasyon.

Nananawagan ang mga alagad ng batas sa publiko na patuloy makipagtulungan at iulat ang ano mang iligal na aktibidad sa kanilang lugar upang masugpo ang paglaganap ng ipinagbabawal na gamot sa bansa.

SOURCE: PANAY NEWS

RELATED ARTICLES

Leave a Reply

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe