Anak ng isang doctor ang babaeng NPA member na namatay sa engwkentro laban sa militar sa Barangay Santol, Binalbagan, Negros Occidental nitong Hulyo 6, 2022.
Ayon kay 3rd Infantry Division spokesperson Captain Kim Apitong, si Nikka Marie Ledesma Dela Cruz, 26 anyos, Alyas Chai Medelyn, ay isang journalism graduate sa University of San Jose Recoletos Cebu.
Dagdag pa ni Apitong, na medyo nakakaluwag sa buhay ang pamilya ni Dela Cruz dahil doctor ang mga magulang nito.
Si Dela Cruz ay dating nagtatrabaho sa sa DYSS Super Radyo GMA ngunit hindi na nito tinuloy ang kontrata.
Ayon sa kanyang mga magulang, sumama si Dela Cruz sa Anak Bayan, Kadamay at Gabriela at palaging sumasama sa kilos protest amula nang nasa kolehiyo pa lang ito. Pinaniniwalaang na brainwash si Nikka ng nasabing mga organisasyon.
Nitong Pebrero 2022, nagpaalam si Dela Cruz sa kanilang katulong upang lumuwas ng Maynila para sumama sa rally, ngunit hindi na ito umuwi at hindi na rin makontak.
Marso ngayong taon ng namonitor na nakarating si Nikka sa Negros island at tuluyan ng naging kasapi sa Central Negros II ng NPA.