Wednesday, December 25, 2024

HomeNational NewsBabaeng nagpakalat ng fake news sa white van kidnapping, kinasuhan na

Babaeng nagpakalat ng fake news sa white van kidnapping, kinasuhan na

Biliran – Naghain na ng kaulang kaso ang mga awtoridad sa babaeng nag-ulat at nagkalat ng fake news na naging ‘biktima’ umano siya ng White Van Kidnapping Incident, na nangyari nitong Agosto 20, 2022 bandang 2:40 PM sa Brgy. Santissimo Rosario Poblacion, Naval, Biliran.

Ang suspek ay isang 19-anyos na babae, college student, at residente ng munisipalidad ng Cabucgayan, Biliran.

Matapos ang malalim na imbestigasyon, kumbinsido ang Naval MPS na ang nasabing insidente ng kidnapping ay gawa-gawa lamang at may hindi pagkakatugma sa mga pahayag na ibinigay ng nasabing suspek.

Ang mga saksi at CCTV sa mga lugar ay nagpapahiwatig na walang insidente ng kidnapping na nangyari sa petsa at oras na nakasaad, taliwas sa ulat ng hinihinalang suspek.

Kaugnay nito, nagsampa ng criminal complaint ang Naval MPS laban sa suspek sa Prosecutor’s Office para sa paglabag sa Article 154 (1) ng Revised Penal Code, na inamyenda ng RA 10951 (Consummated Unlawful Use of Means of Publication And Unlawful Utterances) kaugnay ng Sec. 6 ng RA 10175, sa ilalim ng NPS docket No. VIII-14-INV-2022-I-00239 nitong Setyembre 13, 2022.

Babala naman ng mga awtoridad sa publiko na iwasang magpakalat ng balita o impormasyong hindi pa napatunayan at makakapanlinlang at magdudulot ng takot sa publiko. Maging mas maingat sa pagpo-post at pagbabahagi sa social media, at palaging suriin ang katotohanan ng mga ulat na nai-post upang hindi mabiktima ng maling impormasyon at disinformation.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe