Sunday, July 7, 2024

HomeNewsBabaeng may autism, namatay matapos bugbugin ng nakababatang kapatid

Babaeng may autism, namatay matapos bugbugin ng nakababatang kapatid

Pumanaw ang isang 44-anyos na babae na may autism spectrum disorder matapos saktan ng kanyang nakababatang kapatid sa Gentlepeace Subdivision, Barangay Lawaan, Talisay City alas-10 ng gabi noong Huwebes, Mayo 25, 2023.

Binawian ng buhay ang biktimang si Lugela Geraldez Morales dahil sa matinding pinsala sa ulo at katawan.

Sinabi ng kanilang ina sa pulisya na nagsimula ang alitan nang makitang lasing ang 42-anyos na kapatid ng biktima na si Levan, binata, at isang fabricator, at hinampas ang balikat ni Lugela.

Dahil sa sakit ay sinigawan ng biktima si Levan at nagbitaw ng masasakit na salita na ikinagalit ng suspek.

Hinila ng suspek si Lugela hanggang sa bumagsak ito sa sahig at paulit-ulit na sinuntok sa mukha.

Hindi huminto ang suspek hanggang sa hindi na kumikibo ang kanyang ate.

Agad na tumawag ang mga kaanak sa isang medical team sa Talisay City at naisugod ang biktima sa Talisay District Hospital, kung saan idineklara itong patay ng attending physician.

Inaresto ng mga rumespondeng pulis ang suspek.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
156SubscribersSubscribe