Friday, November 15, 2024

HomeNewsBabae patay sa pananambang sa Cebu City

Babae patay sa pananambang sa Cebu City

Cebu City, Philippines – Nakahandusay at wala ng buhay ng madatnan ng mga awtoridad ang isang 19-year-old na babae sa Sitio Panaghiusa., Brgy. Duljo-Fatima, Cebu City nito lamang Sabado, ika-10 ng Setyembre 2022.

Kinilala ng mga awtoridad ang biktima na si Riza Barbosa, 19 taong gulang at residente ng Sitio Naba, Brgy. Mambaling, Cebu City. Habang ang kasama naman nitong lalaki na nadamay lamang ay kinilalang si Kevin Estrera, 27 taong gulang, residente ng Sitio Laguna, Brgy. Basak, Cebu City na may tinamong tama ng bala sa kaliwang paa at kasalukuyang nasa Cebu City Medical Center habang nagpapagaling.

Ayon sa inisyal na report, isang tawag mula sa isang concern citizen ang natanggap ng Police Station 11, Cebu City Police Office na may nangyaring insidente ng pamamaril sa Sitio Panaghiusa, Brgy. Duljo-farima, Cebu City. Agad na nirespondehan ng mga tauhan ng naturang istasyon sa pangunguna nina PSSg Romagos, PSSg Flores at Investigator-On-Case Patrolman Cabañero.

Dinatnan ng mga awtoridad ang isang babae na nakahandusay na puno ng dugo mula sa kanyang ulo at wala nang buhay.

Ayon sa SOCO team limang (5) empty shell at dalawang (2) slug ng Cal. 45 pistol ang nakita sa pinangyarihan ng krimen.

Base naman sa panayam sa biktima na si Kevin Estrera nandoon siya sa lugar para tubusin ang kanyang cellphone, nang nakita nyang pinagbabaril ng isang lalaki na hindi pa nakikilala ang biktimang si Barbosa. Dagdag pa dito, tinamaan ng bala ang kanyang kaliwang paa sa nasabing insidente.

Hindi pa matukoy ang motibo sa nangyaring krimen at kasalukuyang nagsasagawa na ng follow-up investigation ang Police Station 11, CCPO para sa posibleng pagkakakilanlan at pagdakip sa suspek.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe