Friday, February 21, 2025

HomeNewsBabae arestado sa Cebu City dahil sa Online Human Trafficking

Babae arestado sa Cebu City dahil sa Online Human Trafficking

                                                                                                                                                                                       Isang babae ang inaresto sa isang pinagsanib na operasyon matapos umanong gamitin ang internet upang ipasailalim ang kanyang mga anak sa human trafficking, ayon sa opisyal ng pulisya noong Lunes.

Ayon kay Police Colonel Lemel B Gonda, Chief ng Regional Anti-Cybercrime Unit-Central Visayas, ang 15-anyos na anak ng suspek at isa pang menor de edad ay nailigtas sa operasyon na isinagawa sa Barangay Sta. Rosa, Olango Island, Lapu-Lapu City noong Pebrero 13.

Dagdag ni Gonda, kanilang tinulungan ang Women and Children Protection Center-Visayas Field Unit sa pagsasagawa ng Cyber Forensic examination sa mga nakumpiskang gadget upang palakasin ang ebidensya laban sa suspek.

“The two minors are now undergoing psychosocial sessions with the social workers,” pahayag ni Gonda sa isang panayam sa Philippine News Agency.

Ayon sa pulisya, ang pagsisiyasat ay nagsimula noong Hulyo 2023 nang matuklasan ng isang undercover officer na ang suspek ay nag-aalok ng iligal na serbisyo gamit ang kanyang mga anak sa pamamagitan ng mga online platform. Dahil dito, agad na isinagawa ang rescue operation upang mailigtas ang 15-anyos niyang anak at mahuli ang suspek.

Sa naturang operasyon, isa pang menor de edad na hinihinalang biktima rin ng suspek ang nailigtas.

Narekober din ng pulisya ang ilang ebidensya mula sa cellphone ng suspek na maaaring magpatibay ng kaso laban sa kanya.

Nahaharap ngayon ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act No. 11862 o ang Expanded Anti-Trafficking in Persons Act of 2022.

“This case highlights the importance of online surveillance and undercover work in protecting vulnerable individuals and we remain committed to dismantling human trafficking operations at every level,” pahayag ni Police Brigadier General Redrico A. Maranan, Regional Director ng Police Regional Office 7.

Ang insidenteng ito ay nagbigay-diin sa pangangailangan ng mas mahigpit na cyber-patrolling upang maprotektahan ang mga bata laban sa human trafficking.                                                                                                      

Source: PNA

RELATED ARTICLES

Leave a Reply

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe