CEBU CITY – Naaresto ang isang 33-anyos na babae sa isang buy-bust operation sa Talisay City noong Biyernes ng gabi, na nagresulta sa pagkakasamsam ng Php6.1 milyong halaga ng shabu.
Ayon kay Police Lieutenant Colonel Epream Paguyod, hepe ng Talisay City Police, ang pag-aresto kay “Rona” ay matapos ang ilang linggong pagmamanman. Siya ay inaresto malapit sa kanyang bahay sa Barangay San Isidro, Talisay City.
Sinabi ni PLtCol Paguyod na ang suspek at ang kanyang kasosyo na tinukoy lamang bilang “Joe,” ay nagsimula ng kanilang ilegal na negosyo noong simula ng taon. Si Rona ang namamahala sa mga remittance mula sa bentahan, habang ang kanyang kasosyo, na nananatiling hindi nahahanap, ang responsable sa pamamahagi ng isa hanggang dalawang kilo ng shabu kada linggo sa tatlong barangay sa Talisay City.
“We monitored their transactions, that’s why we were able to conduct the sting operation,”sabi ni Pltcol Paguyod.
Ang mga nasamsam na droga ay ipinadala sa Cebu Provincial Forensic Unit para sa pagsusuri habang ang mga kaso ukol sa droga ay pinaghahanda na laban sa suspek.
Ito ay nagsisilbing paalala ng determinasyon ng gobyerno na tiyakin ang kaligtasan at kaayusan ng bansa tungo sa mas maunlad na Bagong Pilipinas.
Source: PNA