Thursday, January 23, 2025

HomeEntertainmentCultureAti-Atihan Festival, muling idinaos sa Kalibo matapos ang dalawang taong pagkasuspende

Ati-Atihan Festival, muling idinaos sa Kalibo matapos ang dalawang taong pagkasuspende

Muling nasilayan ng mga bisita at tagapanood ang makukulay at magagarang desinyo ng mga kalahok sa Ati-Atihan Festival sa bayan ng Kalibo sa Aklan, matapos ang dalawang taong pagkasuspende nito.

Nitong Enero 14, 2022, muling idinaos ang nasabing festival bilang pasasalamat kay Señor Santo Niño o ang batang Jesus, matapos ang dalawang taong pagkakatigil nito mula 2021 hanggang 2022 dulot ng COVID-19 pandemic.

Ang selebrasyon ay taunang idinaraos sa nasabing bayan mula pa sa panahon ng pananakop ng mga Espanyol, na patuloy na ginugunita ng mga residente sa pamamagitan ng masiglang drum beats, parades, at iba pang pang-simbahan na aktibidad.

Kabilang sa mga itinampok ngayong taon ang mural contest sa kahabaan ng Osmeña Avenue, ang Ati-Atihan Fashion Festival sa Museo It Akean façade, opening procession, “Pagdayaw” Exhibit and Caravan, Novena Masses, “Paeapak” ng Santo Niño sa St. John the Baptist Cathedral, at iba’t ibang sports activities sa Pastrana Park, at marami pang iba.

Ang highlight naman sa nasabing festival ay ang Kalibo Sadsad Ati-atihan street dance competition na idinaos mula pa nang taong 1963.

Nitong taon, nasa 34 “tribes” mula sa Kalibo at sa mga karatig-bayan nito sa Banga, Ibajay, Lezo, Makato, Malinao, at Numancia, ang magpapasiklaban sa street dance competition mula sa Osmeña Avenue hanggang sa Pastrana Park sa Kalibo town center. Mayroon namang apat na kategorya ang kompetisyon, iyan ang —Tribal Small, Tribal Big, Modern Tribal, at Balik Ati.

Tinatayang nasa Php3.38 milyon naman ang kabuuang premyo sa street dance competition, kabilang na nito ang grand prizes na Php1 milyon para sa (Tribal Big), Php150,000 para sa (Tribal Small), Php140,000 para sa (Modern Tribal), at Php120,000 para sa (Balik Ati), at ang mga cash prizes din para sa second at third placer sa bawat kategorya.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe