Kamakailan lamang, pinirmahan ni Honorable Judge Ronald August Tan ng Pasay City RTC Branch 297 ang isang Warrant of Arrest laban kay Reyca Janisa Palpallatoc, isang Senior Officer 2 ng Bureau of fire Protection, dahil sa mga paglabag sa R.A. 8042, o mas kilalang Migrant Workers and Overseas Filipinos Act, na inamiendahan ng R.A. 10022, bunsod ng pagkakasangkot nito sa isang large-scale illegal recruitment.
Bukod pa rito, si Palpallatoc ay nahaharap din sa hiwalay na mga kasong administratibo na isinampa naman sa Office of the Ombudsman at Professional Regulations Commission, kung saan siya ay inakusahan sa mga eskandalong may kinalaman sa moralidad at propesyon ni Gng. Faiza Utuali, asawa ng isang natanggal na opisyal ng Marine na inakusahan naging kalaguyo nito.
Umingay ang naturang isyu hindi lamang sa mainstream media kundi pati na rin sa social media, kung saan umani ng iba’t ibang reaksyon at opinion sa publiko, partikular na ang pagkwestiyon sa kredibilidad ng pagrerecruit ng BFP at ng moral na katayuan ng mga uniformed personnel sa bansa.
Hinikayat naman ng mga awtoridad ang publiko na agad na makipagtulungan sa kanila sakaling mayroong mabalitaang parehong modus operandi sa lahat ng mga ahensiya ng pamahalaan, dahil ang naturang illegal na gawain ay hayagang paglabag sa Code of Conduct and Ethical Standards ng isang public official na nakasaad sa R.A. 6713. Kung saan sila ay inaasahang maglingkod sa mamamayan ng may integridad, katapatan, kahusayan, at katarungan.
Samantala, ayon naman sa BFP, tuluyan ng nagbitiw sa pwesto si SFO2 Reyca Janisa Palpallatoc nito lamang December 27, 2024, kasunod ng inilabas na arrest warrant laban sa kanya.
Photo courtesy by Kawani ng BFP, Reyca Janisa Pagulayan, Pinaaresto | TikTok