Army: Hindi umano tumupad ang NPA sa iniulat nitong Christmas ceasefire

0
20
Screenshot

Hindi umano tumupad ang CPP-NPA sa sinabi nitong Christmas ceasefire, ayon sa Philippine Army, kasunod ng sagupaan sa pagitan ng rebeldeng grupo at ng pamahalaan na naganap noong December 15, 2025 sa Las Navas, Northern Samar.

Ayon kay Lt. Col. Ricky James Rosalejos, Commanding Officer ng 19th Infantry Battalion, na naganap ang insidente bandang alas 4:45 ng hapon habang nagsasagawa ang mga tropa mg pamahalaan ng community activities katuwang ang mga opisyal ng Barangay Paco.

Bagaman at walang nasugatan sa nasabing encounter, sinabi ni Rosalejos na nagpapakita lamang ito na kailanman ay hindi mapagkakatiwalaan ang makakaliwang grupo partikular na sa deklarasyon nilang ceasefire ngayong kapaskuhan.

Dagdag pa niya na ang naturang pag-atake ay pinasimunuan umano ng mga miyembro ng Sub-Regional Guerrilla Unit ng Sub-Regional Committee Emporium sa ilalim ng Eastern Visayas Regional Party Committee.

Matagumpay namang narekober ng mga sundalao ang isang M16 rifle, dalawang long magazines, at 37 rounds ng 5.56mm ammunition sa encounter site.

Matatandaang nauna nang mag-anunsyo ang Communist Party of the Philippines (CPP) Central Committee ng apat na araw na unilateral ceasefire sa armed wing nito na NPA, bunsod ng Christmas at New Year holidays.

Samantala, ayon naman sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict, inilalarawan nito ang deklarasyon ng CPP na mababawa at hindi mapagkakatiwalaan sapagkat hindi rito nakasaad ang malinaw na pananagutan ng rebeldeng grupo sakaling sila ay lumabag sa nasabing deklarasyon.

Leave a Reply