Sunday, July 7, 2024

HomeRebel NewsArmed encounter muling naganap sa Guihulngan City, Negros Oriental

Armed encounter muling naganap sa Guihulngan City, Negros Oriental

Guihulngan City, Negros Oriental- Muling nagkaroon ng Armed encounter sa pagitan ng rebeldeng NPA at ng mga tauhan ng 62nd Infantry “Unifier” Battalion sa Sitio Cantayson, Brgy Mani-ak, Guihulngan City, Negros Oriental nitong ika-17 ng Agosto 2022.

Matatandaang kahapon naunang magkaroon ng engkwentro ang mga tauhan ng 62nd Infantry Battalion at ng mga rebeldeng NPA sa Sitio Cambairan sa Brgy Trinidad ng parehong lungsod.

Dahil sa engkwentro nahati ang mga rebelde sa magkaibang direksyon na matagumpay namang na tracked down ng mga sundalo sa isinagawang pursuit operation.

Tinatayang umabot sa limang minuto ang bakbakan sa pagitan ng mga sundalo at NPA na nauwi sa pagkakumpiska ng isang 357 magnum revolver, isang backpack, at iilang mga personal belongings.

Wala namang naiulat na nasawi sa mga sundalo ngunit pinaniniwalaang isa ang nasawi sa panig ng mga rebelde.

Agad ding tumakas ang mga teroristang NPA matapos ang sunod-sunod na pagpapaulan ng bala ng mga tropa ng pamahalaan.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
156SubscribersSubscribe