Thursday, November 28, 2024

HomeNewsArmadong grupo, pilit pinasok ang isang bahay

Armadong grupo, pilit pinasok ang isang bahay

Sapilitang pinasok ng mga armadong lalaki ang isang bahay sa Barangay Villahermoso sa Calbayog City, alas 3:30 ng umaga noong Pebrero 10, 2024.

Ayon sa awtoridad, apat na bata na may edad 4, 7, 9, at 18 taong gulang ang nasugatan kasama ng kanilang ina na 33 taong gulang at isa pang menor de edad ang nakaligtas sa insidente.

Dumating ang armadong grupo sa nasabing barangay sakay ng tatlong closed van at isang Innova SUV na puwersahang pinasok ang tahanan ng mga biktima.

Ayon sa mga residente sa lugar, nagpakilala silang mga miyembro ng isang law enforcement unit at nakauniporme kung saan ipinag-utos nila sa mga tao na huwag lumabas ng kanilang mga tahanan.

Bukod dito, ang Kapitan ng Barangay ay kapamilya ng mga biktima. Nakahingi ng tulong ang isa sa mga biktima, na ina ng kapitan, ngunit pinagbantaan xa na babarilin.

Walang nagawa ang kapitan, at nakarinig na lamang sila ng dalawang malalakas na pagsabog gayundin ang pagpapaputok ng baril.

Ang Transformer ng kuryente ay kasama sa pinasabog ng mga armadong lalaki na nagdulot ng brown out sa buong barangay.

Nang rumesponde ang mga pulis, dinala naman agad ng Migara Rescuers sa ospital ang apat na sugatan.

Patuloy na magsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya para matukoy ang mga suspek. Samantala, sinabi naman ng isang opisyal ng PNP na nagkaroon sila ng katulad na operasyon sa Barangay Villahermosa.

Source: RMN Tacloban

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe