Magsisimula ang Cebu City Government sa pagtanggap ng mayor’s business permit application sa Enero 5, sa susunod na taon sa SM City Cebu sa North Reclamation Area.
Inihayag ng City Treasurer’s Office na isasagawa rin ang pagproseso ng business permit renewal sa Enero 7 sa parehong venue.
Pinapayuhan ang mga aplikante na i-renew ang kanilang business permit sa o bago ang Enero 20, 2023 upang maiwasan ang pagbabayad ng surcharge o penalty.