Sunday, July 7, 2024

HomeNewsApat na miyembro ng isang pamilya sa Himamaylan City, patay sa pamamaril

Apat na miyembro ng isang pamilya sa Himamaylan City, patay sa pamamaril

Negros Occidental- Patay ang mag-asawa at kanilang dalawang anak matapos pagbabarilin ng mga hindi pa matukoy na mga suspek sa Sitio Kangkiling, Brgy. Buenavista, Himamaylan City, Negros Occidental, kagabi ika-14 ng Hunyo 2023.

Ayon kay Emily Germino Fausto, anak ng napatay na mag-asawang Fausto, nangyari ang pamamaril bandang alas – 10:00 ng gabi habang siya ay wala sa kanilang bahay.

Ayon pa sa report, si Emily ay nagtungo mismo sa himpilan ng Himamaylan City PNP bandang 6:15 ng umaga Hunyo 15 upang i-report ang nangyaring shooting incident.

Dahil dito agad na nagtungo ang mga tauhan ng Himamaylan PNP sa pangunguna ni PLtCol Reynante Jomocan, Chief of Police, at nakipag-ugnayan sa Charlie Company ng 94th IB Phil Army at sa mga opisyales ng Brgy. Buenavista upang kumpirmahin ang sitwasyon sa lugar at magsagawa ng follow-up investigation.

Pagdating sa lugar ng insidente ay nadatnan ang mga biktimang nakabulagta at wala ng buhay.

Sa inisyal na imbestigasyon, natagpuan ang Nanay na si Emilda Fausto, 49 anyos na nakabulagta sa may hagdanan ng kanilang bahay habang ang 15 at 11 taong gulang na mga batang lalaki ay natagpuan din sa loob ng bahay na may mga tama ng bala sa katawan, sa di kalayuan, ay natagpuan rin ang bangkay ng 52 anyos na Tatay na si Rolly Fausto sa maisan mga 50 meters ang layo.

Sa ngayon ay naibaba na ang mga bangkay ng mga biktima upang isailalim sa Autopsy at karagdagang medical na examination habang patuloy na gumugulong ang imbestigasyon sa motibo at pagkakakilanlan ng mga salarin.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
156SubscribersSubscribe