Hinihimok ng isang miyembro ng Cebu City Council ang Alkalde ng Lungsod, Mayor Michael Rama na magsagawa ng “anti-poverty summit” para matugunan ang mataas na bilang ng “poor individuals” sa lungsod.
Sa kanyang resolusyon, sinabi ni Counsilor Rey Gealon na may kagyat na pangangailangan na gumawa ng kaukulang hakbang upang maibsan ang problema alinsunod sa mala-Singapore na pananaw ng Lungsod.
Binanggit ni Gealon na ang 2019 data mula sa Department of Social Welfare and Development ay mayroong 11,805 na mahihirap na kabahayan sa Cebu City, ang pinakamataas na bilang sa mga local government units sa Central Visayas.
Sa pahayag ng Counsilor noong Biyernes, Disyembre 9, 2022, tatalakayin sa summit ang mga posibleng remedyo para maibsan ang kahirapan.
Sinabi ni Gealon na ang lungsod ay dapat ding lumikha ng mga estratehiya na maaaring lumikha ng “massive employment” na oportunidad sa mga residente nito.
Ang isang action plan para sa food subsistence, socialized housing, at access sa healthcare at edukasyon ay dapat ding harapin sa panahon ng summit, idinagdag niya.
“Ang ganitong patakaran ay naaayon sa paniniwala ng representasyon na ang ‘kalusugan ay kayamanan,’ kaya’t kailangan nating unahin ang lahat ng may kinalaman sa kalusugan dahil mapoprotektahan nito ang ating mga tao mula sa anumang sakit,” ani Gealon.