Sunday, October 6, 2024

HomeNewsAnimal technician at beautician arestado dahil sa 'shabu' sa Toledo City

Animal technician at beautician arestado dahil sa ‘shabu’ sa Toledo City

Arestado ang isang animal technician at isang beautician sa isang buy-bust operation sa Toledo City, midwest Cebu Sabado ng umaga, Hunyo 25, 2022.

Kinilala ni Police Master Sergeant Leodines Leduna, team leader ng Drug Enforcement Unit ng Toledo City Police Station, ang mga suspek na sina John Roderick Autentico Sollano, 42, at Rutchen Baliguat Buglosa, 39, kapwa residente ng Barangay Das, Toledo City.

Nakumpiska sa kanila ang 24 na sachet na naglalaman ng umano’y shabu na tumitimbang ng humigit-kumulang 100 gramo na may street value na Php680,816.00 at Php700.00 na pinaniniwalaang kita mula sa illegal drug trade at iba pang mga drug paraphernalia.

Dagdag pa ni Leduna na isinagawa nila ang buybust operation kasama ang Philippine Drug Enforcement Agency sa Central Visayas (PDEA 7) laban sa mga suspek matapos makatanggap ng mga ulat tungkol sa kanilang pagkakasangkot sa nasabing iligal na aktibidad.

Sinabi rin ni Leduna na matalik na magkaibigan sina Sollano at Buglosa. Naaresto sila alas 4:45 ng umaga nitong araw, Hunyo 25 sa tahanan mismo ni Sollano.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Source | https://www.sunstar.com.ph/article/1933055/cebu/local-news/animal-technician-beautician-nabbed-for-shabu-in-toledo

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
156SubscribersSubscribe