Friday, November 22, 2024

HomeEditorialAng hinagpis ng isang ina matapos mamatayan ng anak dahil sumali sa...

Ang hinagpis ng isang ina matapos mamatayan ng anak dahil sumali sa NPA

Noong Agosto 10, 2022, nagsagawa ang mga tauhan ng 94th Infantry Battalion, Philippine Army ng combat patrol sa bahagi ng Sitio Bulasot, Buenavista, Himamaylan City sa Negros Occidental nang maka-engkwentro nila ang mga armadong Communits Terrorist Group o CTG.

Lubos ang hinagpis ni Nanay Rosalita Ariola, nang positibo niyang kinilala ang kangyang 21 anyos na anak na nagngangalang si Anthony “Nonoy” Ariola, na siyang nasawi sa nasabing engkwentro.

Mariing kinondena ni Ginang Ariola ang teroristang grupo sa desisyon nitong basta nalang iniwan ang kanyang anak sa kabundukan. Naalala pa niya ang pangarap ng kanyang anak na si Nonoy na makapagtapos sa Grade 10, para tumulong sa kanilang pamilya na magkaroon ng maginhawang buhay. Binilhan niya pa ito ng alagang kabayo na siyang gamit nito papuntang paaralan.

Nagpaalam daw sa kanya si Nonoy na magtrabaho sa Maynila kasama ang dalawang hindi niya kilalang mga kalalakihan. Ngunit hindi niya batid na ang mga ito pala ay nagbalat kayo lamang na tutulong sa kanyang anak, ito pala ay recruiter ng CTG na siyang naging dahilan ng maagang pagkamatay ni Nonoy noong Agosto 10.

Ang CPP-NPA-NDF ay dapat ng wakasan. Marami na silang nabiktimang pamilya, mga magulang, kabataan at mga inosenteng indibidwal. Iilan pa bang mga pangarap ang magwakas at tuluyan ng ibinaon sa ilalim ng lupa dahil lamang sa mga kasinungalingan at maling ideolohiya na dulot ng mga rebeldeng komunista.

Iilan pang Nanay Rosalita ang iiyak habang kandong-kandong ang kanyang anak na wala ng buhay at na-aagnas na, na basta-basta na lang iniwan sa kabundukan.

Magkaisa tayong tuldukan ang mga kawalang hiyaang ginagawa ng CPP-NPA-NDF sa ating mga kababayan. Magkaisa tayong tuldukan ang patuloy nilang panlilinlang at pangrerecruit sa ating mga kabataan na punong-puno pa sana ng pangarap at pag-asa. Sama-sama nating labanan ang kanilang kasinungalingan upang wala ng iiyak na pamilya sa kadahilanang sumali sa anumang uri ng iligal na pakikibaka.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe