Pinatunayan ng isang estudyante na anak ng isang mangingisda sa Daram, Samar na hindi hadlang ang kahirapan upang makamit ang pangarap.
Yan ang kwento ng tagumpay ni Lyza Bersano Sansan, 23 anyos, na kasama sa mga mapalad na nakapasa sa May 2023 Philippine Nurses Licensure Examination (PNLE) na inilabas noong Hunyo 10, 2023.
Siya ay panganay sa tatlong anak nina Nestor Sansan, isang mangingisda at Helen Sansan mula sa Brgy. Pondang, Daram, Samar.
Aniya, ang tagumpay na ito ay alay niya sa kanyang mga magulang na nagsikap at nagpursigi upang mairaos lamang ang kanyang pag-aaral sa kolehiyo.
“Prayer and hardwork is really the key to success, dire talaga hadlang it kakurian ha pag-abot hit aton mga pangarap. Nothing is impossible talaga ha tawo nga pursigido,” ani ni Lyza.
Ayon sa Professional Regulation Commission, nasa 10,764 mula sa 14,364 na kumuha ng nasabing pagsusulit ang mapalad na nakapasa o katumbas ng nasa 74.94%.
Si Lyza ay nagtapos ng kanyang kursong B.S. Nursing sa Samar State University noong July 2022.